How to Invest with Little Money



created by http://howtoinvestforbeginners.com/ So sabi ng girlfriend mo, iiwan ka nya pag hindi mo sya naibili ng bahay para sa inyong magiging pamilya. Pero wala kang pera. Nalaman mo na maganda maginvest sa stock market. Pero wala kang ipon at maliit lang ang sweldo mo. Pano na? Huwag ka magalala kaibigan, ang sagot dyan ay Peso Cost Averaging. Ang Peso Cost Averaging ay ang palagiang pagbili ng stocks. Linggo lingo, buwan buwan o araw araw. Basta may naipon ka, ilagay mo na – sa stocks. Kung baga, parang ginagawa mong piggy bank ang stock market. Lahat ng ipon mo, dun mo ilalagay. Ang benepisyo nito, ang pera mo ay lalago kasabay ang economiya ng Pilipinas. Kumpara sa regular na piggy bank, na wala namang interest. Ang stock market ay magbibigay ng malaking tubo, depende sa magiging performance ng iyong stocks. Hindi pa sya masusungkit ng mga kapatid mo at higit sa lahat, hindi mo na kailangan gumastos pa pambili ng piggy bank. Ang Cost Averaging ay recommended ng veteranong investor na si Warren Buffett. Sa simpleng rules na maglaan ng pera kada buwan para sa pagbili ng index fund, nakakasiguro ka na ang iyong pera ay lalago sa pagdaan ng panahon. Sa disiplina mong pag gamit ng Cost Averaging, makakamit mo na din ang pangarap nyong bahay ni misis na may dream honey moon at pangcollege ni Junior pa. Peso Cost Averaging Gawing Piggy Bank ang Stock Market Visit HowToInvestForBeginners.com to find out more.

Comments


    Additional Information:

    Visibility: 533

    Duration: 1m 44s

    Rating: 4